Modernisasyon sa hanay ng militar sa Pilipinas, sentro ng usapan nina AFP Chief Brawner at US Gen. Brown

Modernisasyon sa hanay ng militar sa Pilipinas, sentro ng usapan nina AFP Chief Brawner at US Gen. Brown

NAPAPANATILI pa ring matatag ang alyansa at ugnayan ng Pilipinas at Amerika sa usapin ng stratehiya at demokrasya.

Kasunod ito ng nangyaring pag-uusap sa telepono nina Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff, Gen. Romeo Brawner Jr. at US Chairman of the Joint Chiefs of Staff, Gen. Charles Quinton Brown Jr.

Batay sa inilabas na readout ng US Embassy sa Kampo Aguinaldo, sentro ng kanilang pag-uusap ang isyu ng modernisasyon ng AFP at estado ng Enhance Defense Cooperation Agreement (EDCA).

Tinalakay rin ang mga posibilidad ng mga pagsasanay sa pagitan ng mga puwersa ng dalawang bansa kasama na rin ang pagtataguyod ng pagtatanggol sa soberaniya ng Pilipinas na bahagi ng ugnayan ng dalawang bansa.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter