NAKATANGGAP ng courtesy visit ang Ministry of Health (MOH) mula sa Human Rights Commission of Malaysia kung saan tinalakay ang mga karapatang pangkalusugan ng mga bilanggo sa bansa.
Nakipagpulong ang Human Rights Commission of Malaysia kasama ang delegasyon nito sa MOH Malaysia sa Parliament Building ukol sa usaping pangkalusugan ng mga bilanggo.
Sa panahon ng pagbisita, tinalakay ang health rights ng mga bilanggo sa PDRM lockout, prisons at immigration depots.
Pinuna ng MOH ang ilang mga tumataas na isyu at nagpahayag ng pangako na tiyakin na palaging matatanggap ng mga bilanggo ang kanilang mga karapatan lalo na sa aspetong pangkalusugan.
Bukod pa rito, napag-usapan din ang mga isyu tulad ng pay to get the surgical report, child protection system sa mga ospital, gayundin ang immunization shots para sa mga law enforcement member.
Binanggit din ng Human Rights Commission ang ilang panukala hinggil sa Smoking Products Control Bill para sa Public Health 2023.
Samantala, handang makipagtulungan ang MOH upang matiyak na patuloy na maipagtanggol ang mga karapatan sa kalusugan ng mga mamamayan.