MPD mahigpit na minomonitor ang paligid ng freedom parks sa lungsod ng Maynila

MPD mahigpit na minomonitor ang paligid ng freedom parks sa lungsod ng Maynila

MAHIGPIT na minomonitor ng Manila Police District (MPD) ang paligid ng freedom parks sa lungsod ng Maynila.

Partikular na tinututukan ang bahagi ng Liwasan Bonifacio kung saan dito inaasahang magkakasa ng kilos-protesta ang ilang militanteng grupo.

Bukod diyan, sa Liwasan Bonifacio magtitipon-tipon ang mga taga-suporta ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Kaya’t todo-bantay ang mga tauhan ng MPD sa naturang parke upang maiwasan ang posibleng salpukan sa pagitan ng mga anti at pro-Marcos.

Nanawagan naman si MPD Spokesperson Police Maj. Philipp Ines sa mga magkikilos-protesta na sumunod sana sa mga patakaran upang maiwasan ang kaguluhan.

Sa kasalukuyan pawang mga pro-Marcos pa lamang ang nananatili sa Liwasan Bonifacio kung saan mamayang alas-9 ng umaga naman magtutungo dito ang militanteng grupo na Bagong Alyansang Makabayan.

Follow SMNI NEWS in Twitter