Museo na magbibigay ng kaalaman at kultura ng Pilipinas, atraksyon sa mga turista

Museo na magbibigay ng kaalaman at kultura ng Pilipinas, atraksyon sa mga turista

HINDI na kailangan libutin ang buong Pilipinas para malaman ang mga masasarap na pagkain at kultura ng mga Pilipino sa iba’t ibang rehiyon sa bansa.

Sa pamamagitan ng ‘Lakbay Museo’, hindi lang ito magbibigay ng kaalaman sa kasaysayan ng Pilipinas kundi mag-eenjoy rin ang bawat indibidwal na bibisita sa lugar.

Ang Pilipinas na binubuo ng 17 rehiyon sa bansa ay nagpapamalas ng kanila-kanilang kahusayan, tradisyon, kultura, at iba pa.

Pero kahit iba-iba ang naging kaugalian ng bawat rehiyon, maituturing na kayamanan pa rin ito ng Pilipinas.

Pero ang nakalulungkot hindi alam ng maraming mamamayang Pilipino kung anong mayroong kuwento sa bawat rehiyon sa bansa.

Kaya naman dahil dito, ginawa ng Philippine Amusement and Entertainment Corporation ang ‘Wanderer at Lakbay Museo’ para kahit ang mga bata maging ang mga matatanda ay nalalaman nila ang mga sining, kultura, kasaysayan at maging ng mga masasarap na pagkain na maipagmamalaki mula pa sa ating mga ninuno.

Ang museo na ito ay may laki na 3,000 square meter na matatagpuan sa lungsod ng Parañaque.

Sa loob ng pasyalan na ito hindi ka lang may matutunan pati ang mga pumapasok dito ay mag-eenjoy pa.

Pwde ka rin mag picture taking sa bawat tourist spot na napili mo.

May mga pagkain din na pagpipilian sa lugar kung nakararanas ng gutom sa paglalakbay.

Tiyak na sulit ang presyong ibabayad mo dahil kahit buong araw ay masayang maglalaro ang mga bata sa pasyalan.

Maipagmamalaki rin ang museo na ito bilang atraksyon sa mga turista.

 

Follow SMNI News on Twitter