Pagpirma ni PBBM sa 2023 national budget, ikinatuwa ng Senado

Pagpirma ni PBBM sa 2023 national budget, ikinatuwa ng Senado

MAITUTURING na maagang pamasko para sa ilang senador ang pagpirma ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa 2023 national budget.

Nagkakahalaga ng P2.628-T ang 2023 national budget ang nakatuon sa pagbibigay ng ayuda sa higit na nangangailangan at sa pagpapanumbalik sa sigla ng ekonomiya.

“Kasama na dito ang pagbibigay ng tinatawag natin na “targeted ayuda” kung saan ang tulong ay direktang ihahatid sa mga sektor na pinaka apektado ng pandemya,” ayon kay Sen. Sonny Angara, Senate Committee on Finance.

Ayon kay Senador Sonny Angara kasama sa 2023 budget ang pagpapatuloy ng:

  • Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps);
  • medical assistance para sa mga mahihirap;
  • libreng sakay program;
  • mga scholarships para sa mga estudyante;
  • tulong para sa mga tsuper at operator at pati na rin sa mga magsasaka at mangingisda para pangkarga ng langis;
  • pagtaas ng pension ng mga mahihirap nating mga senior citizens.

At dahil sa ramdam pa rin ang pandemya ay siniguro din dito ang benepisyo at allowances ng mga health frontliners.

“Inaasahan din natin na matutugunan ng pamahalaan ang patuloy na pagtaas ng presyo ng bilihin, partikular na ang gulay, manok at baboy. Malaking bahagi ng 2023 GAA, mahigit P170 billion, ay nakatugon sa sektor ng agrikultura kung saan ang ating Pangulo mismo ang personal na nakatutok,” dagdag pa ni Sen. Angara.

Asahan din ani Angara na sa pamamagitan ng 2023 budget ay matutugunan ang mataas na presyo ng gulay, manok at baboy at iba pang mga bilihin.

P170 billion, ay nakalaan sa sektor ng agrikultura kung saan ang Pangulo mismo ang personal na nangunguna.

Ang 2023 budget bill ay niratipikahan ng dalawang kapulungan ng kongreso noong Disyembre 5.

Una na ring sinabi ni Budget Secretary Amenah Pangandaman na may dalawang item ang posibleng ma-veto dito pero agad naman itong napirmahan ng Pangulo matapos ang kanyang official visit sa Belgium.

Sa BICAM conference na-restore ang ilang alokasyon na kwestyunable para sa ilang mambabatas.

Kabilang dito ang P150-million confidential and intelligence fund para sa Department of Education (DepEd) at ang P500 million worth of confidential and intelligence funds ng Office of the Vice President.

Ibinalik din ng Kongreso ang 10 billion peso budget ng NTF-ELCAC na una nang binawasan ng Kamara ng P5-B.

“Nasisiguro po nito ang agarang implementasyon ng mga programa ng administrasyon, lalo na iyong magpapalago ng ekonomiya ng bansa at magbibigay ng trabaho at kabuhayan sa ating mga kababayan,” ayon kay Sen. Joel Villanueva, Majority Floor Leader.

Inihayag naman ni Majority Floor leader Sen. Joel Villanueva na sa pamamagitan ng 2023 budget ay mas lalago ang ekonomiya ng bansa.

Magbibigay aniya ito ng trabaho sa ating mga kababayan.

“Hindi po natin hahayaan na mauwi sa katiwalian at pagkalustay ang pondong inaasahang mag-aangat ng buhay ng ating mga kababayan,” ani pa Sen. Villanueva.

Pero kanya namang tiniyak na tututukan naman ng Senado ang transparency at accountability sa paggastos ng pondo ng bayan.

Follow SMNI NEWS in Twitter