Myanmar, ipinagdiwang ang ika-76 na anibersaryo ng Independence Day

Myanmar, ipinagdiwang ang ika-76 na anibersaryo ng Independence Day

IPINAGDIWANG ng Myanmar ang ika-76 na anibersaryo ng Independence Day nito kung saan iba’t ibang programa ang ginanap sa buong bansa.

Sa seremonya noong Huwebes ng umaga, nagmartsa ang guards of honor ng Armed Forces na nagpapakita naman ng paninindigan nito sa prinsipyo ng soberanya ng Myanmar.

Samantala, ang pagtataas ng watawat ay dinaluhan ng ilang senior officials maging ng mga representante mula sa iba’t ibang sektor ng ekonomiya.

Bilang parte ng pagdiriwang na ito, pinarangalan ng gobyerno ang mga organisasyon at indibidwal na nakatulong at mayroong malaking kontribusyon sa bansa sa nagdaang taon.

Matatandaan na naging malaya ang Myanmar mula sa mga mananakop na Briton noong Enero 4, 1948.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter