ITINAON sa ika-76 Independence Anniversary ng Myanmar ang pagpapalaya ng nasa halos 10-K (9,652) na nakakulong sa kanilang bansa.
Kasabay rito ang pagbibigay ng amnestiya sa nasa 114 na nakulong na dayuhan.
Nagsimula ang pagpapalaya nitong Huwebes Enero 4, 2024 at sinasabing magtatagal pa ito ng ilang araw bago matapos.
Hindi lang malinaw kung kasama sa mga napapalaya ang libu-libong political detainees gaya ni dating Myanmar leader na si Aung San Suu Kyi.
Si Suu Kyi ay nasentensiyahan ng 30-taong pagkakakulong dahil sa mga kaso katulad ng korapsiyon, possession ng illegal walkie talkies at problematikong coronavirus restrictions.
Pebrero 2021 pa nang inaresto ang nabanggit na dating pinuno at ito rin ang naging simula ng pag-take over ng mga militar sa pamahalaan ng Myanmar.
Pinatawad naman noong Agosto 2023 sa limang kaso nito si Suu Kyi.