Mystery disease sa Northwestern Congo, ikinamatay ng 50 katao

Mystery disease sa Northwestern Congo, ikinamatay ng 50 katao

IKINAMATAY ng nasa 50 katao sa Northwestern Congo ang hindi pa matukoy na sakit ayon sa inilabas na datos ng World Health Organization (WHO) nitong Lunes, February 24, 2025.

Sa pahayag ng Bikoro Hospital doon, madalas nasa apatnaput walong (48) oras lang ang pagitan ng pagpapakita ng sintomas ng hindi kilalang sakit at ang tuluyang pagpanaw ng mga pasyente.

Sa ulat, nagsimula ang outbreak noong january 21 nang kumain ang tatlong bata ng paniki sa bayan ng boloko at namatay sa loob ng apatnaput walong oras matapos makaranas ng mga sintomas ng hemorrhagic fever.

Mula dito, umabot na sa 419 ang naitalang kaso dahil sa tinutukoy na mystery disease.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter