TULOY na tuloy ang upcoming online concert ng singer-aktres na si Nadine Lustre na pinamagatang “Absolute Madness” sa kabila ng court ruling upholding ng kanyang kontrata sa Viva Artists Agency (VAA).
Ayon sa legal counsel ni Nadine Lustre na si Atty. Lorna Kapunan, ang Cease and desist order laban sa dalaga ay hindi pa pinal at mayroon pang labing limang araw ang aktres para umapela sa desisyon ng korte.
Una nang sinabi ni Viva’s legal counsel Atty. Paolo Roxas na sa pamamagitan ng ruling, ipinagbabawal sa aktres ang pagsali o pagperform bilang artist/endorser na walang pahintulot at partisipasyon sa VAA nito.
Nakatakdang gaganapin ang concert ni Lustre sa July 3 na ipapalabas sa Kumu.
The moment you’ve all been waiting for! Here’s the official ticketing guide to enter Careless Music and Nadine’s absolutely exceptional digital concert happening on July 3, 2021.
For more details, visit the official website of @kumuPH! #AbsoluteMadnessConcert pic.twitter.com/eN6syAhjee
— CARELESS MUSIC (@CARELESS_PH) June 15, 2021
Matatandaan na bago pa man ang debut ng singer-actress nito sa Absolute Madness nauna na ang kanyang debut visual album na Wildest dreams na nangangahulugan bilang inspirasyon upang maging matibay sa oras ng kahinaan. Ang album nito ay nag-span ng 12 tracks dahil sa tema nito tungkol sa mental health, family at self-love.