Nahuling lumabag sa election gun ban, umabot na sa 277—PNP

Nahuling lumabag sa election gun ban, umabot na sa 277—PNP

UMABOT na sa 277 ang nahuling lumabag sa election gun ban.

Patuloy ang mahigpit na pagpapatupad ng Philippine National Police (PNP) sa gun ban bilang bahagi ng seguridad sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) Elections.

Ayon kay PNP Public Information Office chief Police Colonel Jean Fajardo, mula Agosto 28 hanggang Setyembre 4, umabot na sa 277 indibidwal ang kanilang nahuling lumabag sa pinaiiral na gun ban.

Sa nasabing bilang, 271 ang nahuling sibilyan, 2 ang security guard at 1 ang elected government official.

Habang 2 ang miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at 1 ang miyembro ng PNP.

Nagmula sa National Capital Region (NCR) ang pinakamarami sa lumabag sa gun ban na umabot sa 76.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble