MATAGAL-tagal pa na maibalik sa nakagawiang Abril at Mayo na bakasyon sa paaralan kung ito ang ninanais para sa mga mag-aaral.
Ayon ito kay Atty. Michael Poa, spokesperson ng Department of Education (DepEd) sa panayam ng SMNI News.
Ngayon naman na Hunyo at Hulyo ang bakasyon ng mga mag-aaral simula nang magka-COVID pandemic, tinitingnan na ng DepEd kung ano ang maaaring gawin sa mga paaralan bilang lunas laban sa mainit na panahon ng bansa.
Sa ngayon ay tinatalakay kung ibabalik na sa dati ang bakasyon ng mga mag-aaral.
Kung ibabalik sa Abril at Mayo, maiiwasan ng mga mag-aaral ang mainit na panahon habang nasa paaralan.
Kung pananatilihin naman ang Hunyo at Hulyo na bakasyon sa kasalukuyan, maiiwasan ng mga mag-aaral ang maulan na panahon.