HIGIT sa 300 milyong nakamamatay na drogang fentanyl ang nakumpiska ng Drug Enforcement Administration sa Estados Unidos ngayong taon, bilang na kayang kumitil ng bawat buhay ng mga tao sa Amerika kung hindi mapipigilan.
Noong nakaraang taon, ang mga Pederal na awtoridad ay nakakumpiska ng higit sa 379 milyon na potensyal na nakamamatay na dosis ng fentanyl – sapat na bilang upang mapaslang ang bawat Amerikano – ayon sa pinakabagong ulat ng Drug Enforcement Administration.
Ang nasamsam na mga droga ay kinabibilangan ng sampung libong libra ng fentanyl powder at 50.6 million fentanyl-laced pills na kahawig ng lehitimong iniresetang gamot.
Ang lubos na nakakahumaling, at nilikhang opioid ay 50 beses na mas matapang kaysa sa heroin, at sa isang maliit na halaga nito – ay maaaring nakamamatay.
Mahigit sa 100 libong katao ang namatay sa labis na dosis ng droga ngayong taong 2022 at 2/3s dito ay konektado sa fentanyl.
Ayon sa Drug Enforcement Administration, dalawang Mexican criminal organization – na nagngangalang Sinaloa at Jalisco cartels — ang pangunahing pinagmumulan ng drogang fentanyl na naipupuslit sa Amerika at ang pagpuksa sa dalawang cartel na ito ay ang “top operational priority” ng ahensya.
Ang mga pagkamatay sa labis na dosis ng opioid dahil sa fentanyl, ay tumaas nang husto sa panahon ng pandemya, at ang karaniwang biktima nito ay mga kabataan.