NAITALA noong taong 2024 ang pinakamaraming bilang ng mga nakumpiskang shabu sa East at Southeast Asia.
Ayon sa United Nations Office on Drugs and Crime (UNODC), umabot sa 236 tonelada ang mga nakumpiska sa buong rehiyon noong nakaraang taon.
Partikular na sa Thailand nakumpiska ang pinakamalaking bilang ng shabu.
Bagamat marami-rami ang nakumpiska, naniniwala ang UNODC na mas marami pang shabu ang nakararating sa merkado.