UMAKYAT na sa dalawa ang bilang ng naiulat na nasawi sa pagbaha dulot ng shear line at low pressure area (LPA).
Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nagmula ang mga naiulat na nasawi sa Eastern Visayas.
Habang may naiulat din na isang nasaktan.
Nakapagtala rin ang awtoridad ng 224,977 pamilya o 879,425 indibidwal na naapektuhan ng masamang panahon mula sa 1,147 barangay.
Pansamantalang sumisilong ang 16,423 pamilya o 41,595 indibidwal sa 139 evacuation centers.
Nakapag-abot na ng tulong ang gobyerno kabilang dito ang family food packs, family kits, hygiene kits, sleeping kits, at iba pa.