ISINASAILALIM pa sa berepikasyon ang isang naiulat na nasawi sa pagbaha sa Eastern Visayas dahil sa epekto ng shear line at low pressure area (LPA).
Batay ito sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong Huwebes, Nobyembre 23.
Kaugnay rito, umabot na sa 180,788 pamilya o 721,627 indibidwal ang naapektuhan ng masamang panahon.
Nagmula ang mga ito sa 904 na barangay sa Calabarzon, Bicol, Western Visayas, Eastern Visayas, at Caraga.
Habang 14,718 pamilya o 40,454 indibidwal ang tumutuloy sa 170 evacuation centers at ang iba ay sa kanilang mga kaanak o kakilala.
Samantala, namahagi na ang gobyerno ng family food packs, financial aid, at iba pang tulong para sa mga apektadong residente.