UMANGAT ang bilang ng nasawi sa pamamaril sa Siam Paragon Mall sa Thailand sa tatlo matapos na ang isang biktima na may matinding sugat na natamo mula sa insidente ay tuluyan na ngang namatay.
Ito ay matapos na hindi nakayanan ng isang 30-taong gulang na biktima ang mga sugat na natamo nito.
Ayon sa ulat, si Penpiwan Mitthampitak ay nasawi alas dos ng madaling araw sa ospital.
Matatandaan na ang pamamaril ay nangyari noong Oktubre 3 at ang suspek ay isang 14 na taong gulang na bata.
Ang dalawang biktima sa pamamaril, isang Chinese tourist at isang Myanmar worker ay nasawi sa mismong pangyayari.
Samantala, ayon sa commander ng Metropolitan Police Division 6 ng Thailand na si Police Major General Nakharin Sukhonthawit, ang 14 na taong gulang na bata ay kinasuhan ng premeditated murder.