NatFed Hog Festival, nasungkit ang Guinness World Record

NatFed Hog Festival, nasungkit ang Guinness World Record

MATAPOS maghintay ng matagal na oras sa isinagawang National Federation of Hog Farmers, Inc. (NatFed) Hog Festival, na ginanap sa Novotel Hotel, Gateway 2, Cubao, Quezon City.

Nasungkit ng NatFed ang Guinness World Record (GWR) matapos maitala ang 323 iba’t ibang lutong ulam ng baboy sa Pilipinas.

Inanunsiyo mismo ng opisyal ng GWR Official Adjudicator sa harapan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte, at sa mga opisyal ng NatFed na nakuha nito sa buong Asia ang record ng GWR na may pinakamaraming iba’t ibang putahe ng baboy sa bansa.

Nagpasalamat naman si Mayor Joy Belmonte, sa GWR sa sungkit ng bansa.

Aniya, nagpapatunay lang ito na ligtas kainin ang baboy sa Pilipinas.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble