National El Niño Team, pupulungin para paghandaan ang epekto ng El Niño sa bansa

National El Niño Team, pupulungin para paghandaan ang epekto ng El Niño sa bansa

PUPULUNGIN ng Office of Civil Defense (OCD) ang National El Nino Team upang paghandaan ang inaasahang epekto ng tagtuyot sa bansa.

Ito ay matapos ideklara ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang pagsisimula ng El Niño phenomenon noong nakaraang linggo.

Pangungunahan ni Civil Defense Administrator at NDRRMC Executive Director Undersecretary Ariel Nepomuceno ang pagpupulong sa Hulyo 19 sa Camp Aguinaldo, Quezon City.

Kabilang sa tatalakayin ay ang short, medium at long term plans para sa food security, water security, energy security, health, public safety at cross cutting issues.

Ayon kay Nepomuceno, inaasahan nila ang pagsasapinal ng National Action Plan para sa El Niño batay na rin sa kautusan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na magpatupad ng science-based, whole-of-nation strategy.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter