LIGTAS pa rin ang Albay para sa mga turista sa kabila ng patuloy na pag-aalboroto ng Bulkang Mayon.
Ito ang siniguro ng Office of Civil Defense (OCD) ng Bicol Region sa publiko.
Ito’y matapos na umani ng kritisismo ang Department of Tourism (DOT) ng rehiyon dahil sa pagpo-post nito ng listahan ng mga safe viewing site para sa mga nais na makita ang pagdaloy ng lava mula sa Bulkang Mayon.
Pinuna ng ilang social media user ang ahensiya dahil sa pagsulong nito ng tinatawag na ‘disaster tourism’ habang libu-libo ang apektado ng paga-alboroto nito.
Ayon kay Gremil Naz ng OCD Bicol Region, hindi pa nangangailangang ipagbawal ang turismo o suspendehin ang tourism activities sa labas.