NANINIWALA si Sen. Imee Marcos na dapat maging mandatory ang national service sa bansa.
Ito ang pahayag ng senadora sa eksklusibong panayam ng SMNI News sa event ng National Youth Commission sa Philippine Military Academy (PMA) sa Baguio City kaugnay sa usapin ng Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) bill.
Saad ni Sen. Imee, hindi kailangan na mga militar lamang ang rumiresponde sa mga hamon na kinakaharap ng bansa.
Dahil mismong ang hanay ng militar ay may kaniya-kaniyang serbisyo.
Kailangan din aniyang palawakin ang iba’t ibang national service sa hanay ng mga kabataan.