National Task Force para sa Oplan Baklas vs premature campaigning, binuo na ng COMELEC

National Task Force para sa Oplan Baklas vs premature campaigning, binuo na ng COMELEC

APRUBADO na sa Commission on Elections (COMELEC) en banc ang pagbuo ng National Task Force para sa Operation Baklas.

Hakbang ito ng COMELEC laban sa premature campaigning ng mga kakandidato sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Paaala ng Komisyon na sa Oktubre 19-28 pa ang campaign period.

Ayon kay COMELEC spokesperson Atty. Rex Laudiangco, ang lahat ng posters at election paraphernalias na maagang idi-display ng mga kandidato ay babaklasin ng pinagsama- samang puwersa ng mga ahensiya ng gobyerno.

“Batay po sa aming resolusyon ano, itong team na ‘to ay binubuo ng COMELEC election officers bilang head po ng committee, ikalawa kasama po namin ang PNP, ang chief of police ng lugar na ‘yan at ikatlo, kasama po namin, kung dito po sa Manila, kasama po namin ang MMDA at saka DPWH. Ngayon nga po isasama namin ang BFP dito. Katulong po para sa tigwash-out at magamit namin ang mga hagdan nila. Duly authorized po ang ating local committees para mag-deputize at gumamit ng iba’t ibang ahensiya sa locality para makatulong po sa Operasyon Baklas,” ayon kay Atty. Rex Laudiangco, spokesperson, COMELEC.

COMELEC, tinutukan na ang mga election complaint bago ang pagpapalabas ng talaan ng mga kandidato sa BSKE

Dagdag pa ng tagapagsalita ng COMELEC, ang National Task Force ang magbibigay ng gabay sa mga lokal task force para sa operasyon ng pagtatanggal ng mga posters at election paraphernalia.

Maliban sa pagtatanggal o pagbabaklas ng posters ay ang paggawad ng notice laban sa mga kandidato at sila ay pagpapaliwanagin ng Komisyon kung bakit sila lumabag.

Ang mga natanggal na mga election parpahernalia ayon kay Laudiangco ay magiging ebidensiya laban sa mga violators at ang kanilang paglabag ay maaring magbigay-daan para sa kanilang diskwalipikasyon sa pagtakbo sa BSKE.

Sa datos ng COMELEC, umabot sa mahigit 1.4-M ang naghain ng kanilang Certificate of Candidacy (COC) sa buong Pilipinas.

“Papasok na po ngayon ‘yung tinatawag na petition to cancel Certificate of Candidacies (COCs) and petition of disqualification. Ang promise po ng COMELEC en banc lahat po ito ay reresolbahin bago po ang Oktubre 30 BSKE kasi nga po para malinis na ‘yung talaan ng ating mga kandidato. ‘Yung mga issues and complaints for premature campaigning ito ay hahawakan naman ng aming law dept. at ang law dept. po ang magco-conduct ng preliminary investigation at magre-recommend sa en banc kung dapat sampahan ng kasong election offense ang lumabag po rito,” dagdag ni Atty. Laudiangco

Sa oras na puwede nang magkabit ng mga election paraphernalia o sa pagpasok ng campaign period ay mayroon pa ring dapat tandaan ang mga kandidato pagdating sa sukat at kung saan dapat ilagay ang mga ito.

Ito ay puwede lamang ikabit doon po sa ating tinatawag na common posting area, ikalawa lahat ng campaign materials ay aprubado at pinapahintulutan lamang sa batas. Ito nga po ‘yung leaflets, posters, banners, at streamers na may sukat po na itinakda katulad po ng leaflets at flyers na hindi dapat lalaki sa 18 half by 4 inches sa long bond paper. ‘Yun naman pong ating mga posters ay 2 feet by 3 feet, ‘yan ‘yung maximum size. ‘Yun naman pong mga banners at tarpaulins na mahaba ay 3 feet by 8 feet po ito. Pag hindi mo nilagay sa common posting area ‘yan, tatanggalin namin ‘yan. Kung ito po ay nakalagay sa posting area pero lagpas sa sukat ay ilegal pa rin po ‘yan,” ani Atty. Laudiangco.

Mga election posters sa nakakabit sa pampublikong lugar, kumonti—COMELEC

Sinabi naman ni Laudiangco na sa ngayon ay kakaunti ang nakikita nilang election paraphernalia, tanda na epektibo ang ginawang babala ng Komisyon.

“Maganda po ang epekto ng ating mga warning nila Chairman Garcia at pinagsama-samang obligations namin dito. Mapapansin niyo nangonti. Malaki po ang pinagbago ng mga nakakabit na posters sa mga kalsada noong bago magfiling ng COC hanggang ngayon.” “Kami po mismo ay umiikot. Nakita po namin talaga na napakalaki po ng kabawasan para lamang hindi po masampahan ng kaso.”

“Hindi lamang po kandidato ang sasampahan namin ng kaso sa patuloy na paglabag kundi maging…”

“Sa tingin po namin more than 90% po ang binaba. Talagang kokonti na lang po ang nakikita namin ngayon na naiiwan at makakasiguro po kayo na sa susunod na araw ang mga naiwan po na ‘yan padadalhan na po namin ng notice yan,” aniya.

Ang mga election complaint ay maaring ipadala sa COMELEC o prosekusyon.

Sa COMELEC maaring ipadala ang reklamo sa email o in person.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble