Nationwide blood donation, isinagawa ng AFP

Nationwide blood donation, isinagawa ng AFP

MULING pinagtibay ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang kanilang dedikasyon sa paglilingkod sa mga mamamayang Pilipino sa pamamagitan ng pagsasagawa ng nationwide blood donation activity na ginanap sa Kampo Aguinaldo.

Ang nasabing inisyatibo ay pinamagatang “Dugong Alay Mo, Sandigan ng Buhay Ko,” kung saan ipinapakita nito ang katapatan ng AFP na lampasan pa ang kanilang regular at tradisyonal na mga tungkulin, at upang mas mapalawak pa ang kanilang kabayanihan sa pamamagitan ng pagbibigay ng malasakit at serbisyong publiko na direktang makikinabang ang mga komunidad.

Katuwang ng AFP sa naturang aktibidad ay ang Department of Health (DOH) na kung saan sabay itong ginawa sa iba’t ibang lokasyon sa Pilipinas na pinangunahan ng AFP Major Services, Unified Commands, at Joint Task Force NCR.

Layon ng ng nasabing hakbang ng AFP at DOH na masiguro ang pagkakaroon ng suplay ng dugo sa kasagsagan ng lean inventory period ngayong buwan ng Disyembre at buwan ng Enero sa susunod na taon na kung saan madalas bumababa ang bilang ng donasyon dahil sa holiday season at usong sakit kasabay ng nabanggit na panahon.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble