KASUNOD ng pagdiriwang ng 28th PCR Month Celebration ng PNP sa ilalim ng temang: “Serbisyong Nagkakaisa para sa Ligtas at Maunlad na Pamayanan”, isang feeding program ang isinagawa ng Naujan PNP sa piling lugar sa Naujan Oriental.
Tinungo ng grupo ng Naujan Municipal Police Station ang Sitio Macangas, Brgy. Bayani, Naujan, Oriental noong Hulyo 17, 2023 para mamahagi ng libreng sopas at tinapay ang mga awtoridad sa Indigenous Peoples (Tadyawan Tribe).
Lubos ang pasasalamat ng mga taga tribu mula sa nasabing aktibidad.
Ang naturang programa ay pinangunahan ng Naujan MPS sa pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Nonato Banania Jr., Chief of Police kasama ang mga tauhan ng BJMP-Naujan District Jail, BFP-Naujan Fire Station, barangay officials at CACG.