PINANGUNAHAN ni Western Mindanao Command (WestMinCom) Chief, Lt. Gen. Roy Galido, ang culminating activity ng Naval Exercise “Pagsisikap” 2023 sa Sangbay Big, Hadji Muhtamad, Basilan, araw ng Martes, June 27, 2023.
Ang nasabing aktibidad at taunang programa ng Naval Forces Western Mindanao Command para mapalakas ang kakayanan ng isang moderno at makabagong sundalo.
Ayon kay Lt. Gen. Roy Galido, Chief, ng Western Mindanao Command, maganda aniya itong aktibidad bilang bahagi ng pagsasanay at paghahanda sa iba’t ibang maritime threats at naval operations na posibleng kaharapin ng bansa.
Umaasa ang Armed Forces of the Philippines na higit pa nilang pagbubutihin ang kanilang performance sa usapin ng pagtatanggol sa sobereniya ng bansa at seguridad ng mga Pilipino.