IPINAGMALAKI ng lokal na pamahalaan ng Navotas na zero active case ng COVID-19 ang kanilang lungsod sa nakalipas na 7 araw o isang buong linggo.
Katunayan aniya ay walang naitala na bagong aktibong kaso makaraang nakalabas na mula sa isolation facility ang 2 pinakahuling COVID-19 patients.
Sinabi ni Mayor John Rey Tiangco na ibinibigay niya ang kredito at pasasalamat sa mga frontliners at sa mga miyembro ng kanilang City COVID-19 Response Team.
Kaugnay niyan ay ibinida pa ni Mayor Tiangco na masaya sila dahil masasabi ng COVID-free ang Navotas pero tiniyak nito na mananatili silang maingat dahil hindi pa tuluyang natatapos ang pakikipaglaban sa COVID-19.