Navotas City, nakiisa sa selebrasyon ng 2023 International Coastal Clean-Up Day

Navotas City, nakiisa sa selebrasyon ng 2023 International Coastal Clean-Up Day

NAKIISA sa selebrasyon ng 2023 International Coastal Cleanup Day (ICC) nitong Setyembre 16 ang pamahalaang lungsod ng Navotas kung saan nasa 18 barangay sa kabubuan ang nagtulong-tulong habang nasa 700 na indibidwal ang sumali kasama ang iba’t ibang government employees mula sa city government, national government agencies, barangay officials and staff, students, teachers, non-government organizations, youth organizations, at ilang representatives mula sa mga pribadong institusyon.

Ang naturang clean-up operation ay pinangunahan ng alkalde ng lungsod na si Mayor John Rey Tiangco at binigyang-diin nito ang importansiya ng maayos na kaugalian sa pagtatapon sa mga basura.

Aniya, ang Navotas ay coastal city kung saan ang pangunahing kabuhayan ng mga Navoteño ay pangingisda kaya naman ang malinis na karagatan ay malaking tulong sa mga mamamayan ng siyudad.

Dagdag pa nito, nararapat na ugaliin din ang maayos na segregasyon ng basura at hinikayat ang mga mamamayan na makiisa sa organisadong pagtatapon ng basura bilang ang siyudad ay maituturing na ekstensiyon ng tahanan ng bawat pamilyang Pilipino.

“Regular po nating ginagawa po ito, nakita po natin, napakarami pong mga basura po dito at ito ay galing noong bumagyo. Nag habagat, pasok na naman po lahat ng basura. So, sana makiisa po tayong lahat, magtapon tayo ng basura sa tamang lugar at tamang panahon kasi lahat po tayo ay apektado po niyan, lalong-lalo na po ‘yung yamang dagat,” ayon kay Hon. John Rey Tiangco, Navotas City Mayor.

Kaugnay rito, nagsagawa rin ng information campaign ang City Environment and Natural Resources (CENRO) ukol sa wastong waste management and segregation.

Ang International Coastal Clean-Up Day ay isang global event na pinagkakaisahan ng iba’t ibang bansa na naglalayong mabigyang solusyon ang lumalaking problema sa karagatan.

 

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble