PORMAL nang inanunsiyo ng Navotas City Public Information Office na magkakaroon ng big-comeback ang Navoteño Film Festival ngayong 2023.
Ito na ang ika-5 edisyon ng City Film Fest na nakasentro sa temang “Navoteña, Nangunguna: The Role of Navoteñas in Power and Decision Making”.
Bukas ito sa lahat ng amateur o professional film maker na residente sa lungsod.
Maaari namang English o Filipino ang gagamiting midyum dito.
Magtatagal hanggang sa Hunyo 15 ang pagtanggap ng entry films.
Aabot naman sa 30-K ang mapapanalunan ng 1st prize winner, 20-K ang 2nd, 10-K ang 3rd at 10 finalist ang mag-uuwi ng P5-K.