Nawawalang Cessna 340 sa Albay, natagpuan na

Nawawalang Cessna 340 sa Albay, natagpuan na

NATAGPUAN na ang naiulat na nawawalang Cessna plane 340 sa Albay matapos itong mag-take-off nitong Sabado.

Lulan ng Cessna plane 340 sina Pilot Capt. Rufino James T. Crisostomo Jr., crew Joel G. Martin, at ang dalawang Australian national na sina Simon Chipperfield and Karthi Santanan.

Ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), nawala ang komunikasyon sa Cessna plane ilang minuto matapos itong lumipad mula sa Bicol papuntang Maynila.

Sa press briefing, kinumpirma ni Camalig Mayor Caloy Baldo na nakita sa pamamagitan ng digital single-lens reflex (DSLR) camera ang posibleng bahagi ng Cessna 340 plane na nag-crash sa Brgy. Quirangay at malapit ito sa crater ng Bulkang Mayon.

Sa ngayon sinabi ni Mayor Baldo na patuloy pa rin ang ginagawang search and rescue operation at umaasa rin itong may nakaligtas sa naturang insidente.

Makikipag-ugnayan din ang search and rescue team sa Philippine Institute Of Volcanology And Seismology ngayong  nakataas sa alert level 2 status ang Mayon Volcano.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter