INAPRUBAHAN na ng Inter-Agency Task Force for the Emerging Infectious Diseases na ilagay ang National Capital Region (NCR) at ang probinsiya ng Laguna sa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).
Magsimula ang MECQ sa Agosto 21 hanggang 31 ng taong ito ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.
Bukod pa rito, ang Bataan ay isasailalim din sa MECQ simula Agosto 23 hanggang 31, 2021.
Sa ilalim ng MECQ, sinabi ni Roque na bawal pa rin ang indoor at al fresco dine in services.
Bukod pa rito, sinabi ni Roque na bawal pa ang mga personal care services kabilang na ang beauty salons, beauty parlors, barbershops at nail spas sa Metropolis, Laguna at Bataan.
Pinapayuhan din na gawin ang religious gathering sa pamamagitan ng virtual o online.