NCR, muling isasailalim sa ECQ  simula Agosto 6 hanggang 20

NCR, muling isasailalim sa ECQ simula Agosto 6 hanggang 20

MULING isasailalim sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang National Capital Region (NCR) simula sa Agosto 6 hanggang Agosto 20.

Ito ang inihayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque.

Sa ngayon, sinabi ni Roque na mananatili sa General Community Quarantine with heightened restrictions at karagdagang restrictions ang Metro Manila hanggang Agosto 5.

Samantala, isasailalim naman ang Cebu City at Cebu Province sa Modified ECQ mula Agosto 1 hanggang 15.

Marikina at Pasay, naka-full alert upang maiwasan ang pagkalat ng Delta variant

Samantala, pinaiigting pa ngayon ng Marikina at Pasay government ang protocol upang mapanatiling ligtas ang kanilang mga nasasakupan laban sa nakahahawang coronavirus Delta variant.

Samantala, sa 25 kaso ng Delta variant sa National Capital Region (NCR), wala pang naitatalang kaso ng Delta variant sa Pasay at Marikina.

Ayon pa kay Mayor Marcelino Teodoro, magpapatupad ito ng istriktong protocol habang hinihintay pa ang mas marami pang bakuna.

Bukod pa rito, palalawigin pa ng marikina ang testing at contact tracing efforts maging ang pagpapatupad ng quarantine measures.

Humiling din si Marikina Mayor Teodoro ng aabot sa apat na milyong bakuna para mas marami pa ang makatatanggap nito sa syudad.

Parañaque, nagpatupad ng granular lockdown dahil sa Delta variant

Nagpatupad na rin ng granular at calibrated lockdown ang lokal na pamahalaan ng Parañaque sa dalawang area sa Barangay San Dionisio bilang preventive measure laban sa hinihinalang Delta variant.

Ayon kay Mayor Edwin Olivarez, ang lockdown ay pinaiiral sa Tramo Street matapos anim sa isang walong miyembro ng pamilya ang nagpositibo sa COVID-19.

Sinabi ni Mayor Edwin Olivarez, hindi na nila hinintay ang resulta genome sequencing at ni-lockdown na kaagad ang nasabing mga area para hindi na lumaganap pa ang COVID-19.

Ayon pa kay Olivarez, ang mga nagpositibo sa COVID-19 ay mga asymptomatic at dinala ang mga ito sa isolation facility.

Sa anim na nagpositibo sa COVID-19, isa rito ang bata at tatlo na ang nabakunahan kontra COVID-19.

SMNI NEWS