NCRPO chief, may napuna sa surprise inspection sa mga istasyon ng pulis sa Metro Manila

NCRPO chief, may napuna sa surprise inspection sa mga istasyon ng pulis sa Metro Manila

MARAMING napuna ang pinuno ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na si Major General Edgar Alan Okubo sa isinagawa nitong surprise inspection sa iba’t ibang istasyon ng pulis sa Metro Manila.

Isinagawa ito nitong nakaraang linggo kung saan inuna nito ang ilang istasyon sa Southern Police District (SPD) kung saan may ilang istasyon ng pulis na hindi nasusunod ang ilang protocol sa opisina.

Isa na rito ang halos walang pulis na bumababa sa area of responsibility (AOR) sa komunidad sa halip ay nasa loob lamang sila ng opisina habang ang iba naman ay aktibo sa pagresponde sa mga reklamo.

Mayroon ding hindi nakakabit na mga CCTV cameras sa mga istasyon ng pulis, samakatuwid bigo itong makatugon sa mga problema ng alinmang lugar sa kanilang AOR dahil sa kawalan ng maayos na monitoring.

Ilan lamang ito sa mga personal na tututukan ng bagong NCRPO chief hanggang sa mabisita nito ang lahat ng police districts na sakop nito sa Kalakhang Maynila.

Layon ng programa ni General Okubo na matiyak na nagtratrabaho nang maayos ang mga kapulisan nito at hindi nasasayang ang pasuweldo ng taumbayan sa kanila sa ilalim ng kanilang mandato na pagsilbihan ang bayan at protektahan ang mamamayan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter