NCRPO Chief nagbabala sa mga gumagamit ng blinker at wang-wang na mga pulis

NCRPO Chief nagbabala sa mga gumagamit ng blinker at wang-wang na mga pulis

NAGBABALA ang National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief sa mga miyembro ng Philippine National Police (PNP) na nag-eeskort at gumagamit ng mga blinker at wang-wang.

Sa isinagawang pulong balitaan sa Kampo Karingal, sinabi ni NCRPO, PMGen. Jose Melencio Nartatez Jr. na hindi puwedeng gumamit ng mga blinker at wang-wang ang sinumang miyembro ng PNP matapos itong ipagbawal ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Ayon kay PMGen. Nartatez, ito ay mahigpit na ipatutupad hindi lang sa PNP maging sa sibilyan na gumagamit ng blinker at wang-wang.

Samantala, mahigpit din nitong binalaan ang sinumang police na makikitang pumapasok sa loob ng mga beer house o mga club na umiinom ay mapapatawan ito ng kaukulang parusa.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble