Panukala ni Sen. Tolentino na price control, sinang-ayunan ng DTI

Panukala ni Sen. Tolentino na price control, sinang-ayunan ng DTI

IKINATUWA ni Sen. Francis ‘Tol’ Tolentino ang desisyon ng Department of Trade and Industry (DTI) na magpatupad ng price control sa gitna ng dinaranas na El Niño phenomenon at inflation sa bansa.

Sa isang interview sinabi ni DTI Asec. Amanda Marie Nograles na may ilang manufacturers na ang pumayag na magpatupad ng voluntary price freeze matapos pakinggan ang suhestiyun ni Sen. Tolentino.

Sinabi pa ni Asec. Nograles na tatlong manufacturer na ang nakiisa sa price freeze at sa susunod na linggo ay maglalabas ang DTI ng listahan ng mga produkto na sakop ng price freeze.

“Ilang linggo na lang ang El Niño, kung sakali baka makahabol pa. Kung maari copy furnished agad ang lahat ng LGUs at regional offices para mas mabilis ang monitoring at implementation,” ani Sen. Tolentino.

Magugunitang ilang beses na nanawagan si Sen. Tolentino para sa agarang pagpapatupad ng price freeze upang mabawasan ang hirap ng ating mga kababayan na nakararanas ng matinding init ng panahon.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble