Sen. Tol nanawagan sa DepEd at DPWH na gawing heat-resistant ang mga classrooms

Sen. Tol nanawagan sa DepEd at DPWH na gawing heat-resistant ang mga classrooms

NANAWAGAN si Sen. Francis Tol” Tolentino sa Department of Education (DepEd) at Department of Public Works and Highways (DPWH) na gawing heat-resistant ang mga itatayong classrooms bilang isa sa mga solusyon sa mainit na panahon.

Ayon kay Sen. Tolentino, dapat magsagawa ng konsultasyon ang DPWH at DepEd hinggil sa pagpapatayo ng mga silid aralan na heat-resistant at hindi lang basta typhoon-resistant.

“Yung sina-suggest ko, itong El Nino hindi natin alam kung kelan uulit o tatama, kung gaano katagal o katindi, so siguro sa mga planning sessions ninyo with DPWH, in terms of constructing classrooms, dapat pag-usapan na rin hindi lang yung mga typhoon-resistant buildings, yun may proper ventilation, para kung sakaling tumama ulit yung ganitong weather phenomenon eh may hangin ang mga classroom, lalo na yung mga nasa probinsya,” ani Sen. Tolentino.

Samantala, nanawagan rin sa mga school authorities si Sen. Tolentino na huwag masamain kung sakaling aabsent ang mga estudyante dahil sa matinding init ng panahon.

Sinabi naman ni DepEd Spokesman Francis Bringas na hindi magtatakda ng make-up classes ang mga eskwelahan at sa halip ay bibigyan na lamang ng karagdagang aralin ang mga estudyante upang makabawi sa kanilang mga absences.

 

Follow SMNI News on Rumble