NCRPO, magde-deploy ng mahigit 5-K na mga pulis sa pagbubukas ng klase

NCRPO, magde-deploy ng mahigit 5-K na mga pulis sa pagbubukas ng klase

MAGDE-deploy ang National Capital Region Police Office (NCRPO) ng mahigit 5,000 pulis para matiyak ang pagbubukas ng klase sa 1,262 pribado at pampublikong paaralan sa Metro Manila sa Agosto 29.

Ayon kay NCRPO Director Brig. Gen. Jose Melencio Nartatez na nakipag-ugnayan na sila ngayon sa Department of Education para sa pagtatayo ng mahigit 600 police assistance desks (PADs) malapit sa entrance gate ng mga school campus.

Aniya, ang mga PAD ay pamamahalaan ng 1,572 pulis at tutugon sa anumang alalahanin o katanungan mula sa mga estudyante, guro, magulang at iba pang tao.

Samantala, kabilang sa mga itatalaga ayon kay Nartatez, ay mga miyembro ng Explosive and Ordnance Division at K9 Units.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble