Pag-atake ng CTG sa Masbate, kinondena ng National Security Commission

Pag-atake ng CTG sa Masbate, kinondena ng National Security Commission

KINONDENA ng National Security Commission ang ginawang pag-atake ng rebeldeng grupong New People’s Army (NPA) sa Masbate.

Nangyari ang bomb at gun attack ng rebeldeng grupo nitong Agosto 12 na ikinasugat ng tatlong katao kabilang na ang isang barangay captain sa Brgy. Bonifacio sa Uson, Masbate.

Kasabay umano ito sa paggunita sa International Humanitarian Law (IHL) Day.

Ayon kay National Security Adviser Eduardo Año, ang ginagawang paggamit ng landmines at ang mismong pag-atake ng rebeldeng grupo ay parehong paglabag sa international at domestic na batas.

Tiniyak din ni Año na mapapanagot ang mga suspek.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble