NCRPO, mananatiling naka-heightened alert sa Mayo

NCRPO, mananatiling naka-heightened alert sa Mayo

MANANATILING naka-heightened alert ang National Capital Region Police Office (NCRPO) hanggang sa ikalawang linggo ng Mayo.

Ito’y para mapanatili ang kaayusan at kaligtasan hanggang sa mga holiday.

Dahil naka-heightened alert rin ay 5% lang sa kanilang puwersa ang maaaring makapag-leave.

Kaugnay nito ay sinabi ni NCRPO chief Police Major General Edgar Okubo, wala silang natanggap na anumang banta ngunit tiniyak nitong mahigpit nilang imo-monitor ang pagsidatingan muli ng mga pasahero mula probinsiya papasok ng Metro Manila.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter