NDRRMC, kumpiyansa na malalampasan ng bansa ang El Niño

NDRRMC, kumpiyansa na malalampasan ng bansa ang El Niño

KUMPIYANSA ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na malalampasan ng bansa ang epekto ng El Niño.

Sinabi ni NDRRMC spokesperson Director Edgar Posadas na sa pamamagitan ng ‘whole of the nation approach’ ay matutugunan ang mga pangangailangan ng publiko.

Kabilang sa hakbang ng gobyerno ay ang pagsasagawa ng cloud seeding operations, emergency water support sa pamamagitan ng pagpapakalat ng mga water tanker, at pagsasaayos ng water supply line.

Magbibigay rin sa mga magsasaka ng binhi na akma sa mainit na panahon, tulong pinansiyal at iba pang kinakailangang tulong.

Magsasagawa rin ang NDRRMC ng regular na pagpupulong upang maipabatid sa publiko ang epekto ng El Niño.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter