NDRRMC, nagbukas ng ‘reel-silience’ contest para sa senior high students

NDRRMC, nagbukas ng ‘reel-silience’ contest para sa senior high students

INANUNSIYO ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang pagbubukas ng ‘video reel-making competition’ para sa senior high schoolers na nananawagan para sa disaster preparedness at resiliency.

Ito ay para sa pagdiriwang ng National Disaster Resilience Month (NDRM) ngayong Hulyo.

Ayon sa NDRRMC na ang paligsahan ay bukas sa lahat ng Grade 11 at 12 na mag-aaral sa Pilipinas.

Ang konteksto ng mga video reels na isusumite ay dapat na nakahanay sa NDRM 2023 theme: ‘Bidang Pilipino: Building a Stronger Filipino Well-Being Towards Disaster Resilience’

Sinabi rin ng NDRRMC na ang mga video reels ay dapat may maikling caption na hindi hihigit sa 120 letra.

Samantala, ang mga mananalo ay tatanggap ng P12,000 para sa unang puwesto, P10,000 para sa pangalawang puwesto at P8,000 para sa ikatlong puwesto.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter