NAKAALERTO ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa gitna ng mga pag-ulan na naranasan sa ilang bahagi ng bansa.
Ayon kay NDRRMC deputy spokesperson Diago Mariano, ilang lugar sa Metro Manila ang binaha dahil sa mahina hanggang katamtaman na may paminsan-minsang malakas na pag-ulan dulot ng low pressure area (LPA).
Kabilang sa naapektuhan ang Taguig, Parañaque at Muntinlupa.
Habang nagkaroon din ng pagbaha dahil sa pansamantalang pagsasara ng drainage system para bigyang-daan ang road construction sa lugar.
Wala namang naitalang pinsala at nasaktan dahil sa pagbaha.
Tuluy-tuloy ang ginagawang koordinasyon ng NDRRMC sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).