NEDA Board, inaprubahan ang 3 bagong INFRA projects

NEDA Board, inaprubahan ang 3 bagong INFRA projects

INAPRUBAHAN ang 3 bagong INFRA projects ng National Economic and Development Authority (NEDA).

Asahan ang mas magandang passenger experience sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa susunod na taon kasunod ng inaprubahan ng NEDA Board ang pagsasaayos ng gateway ng Pilipinas, ang NAIA.

Kasunod ng pagpupulong ng NEDA Board nitong Miyerkules kung saan si Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ang chair ay inaprubahan ang 3 bagong infrastructure projects.

Ayon kay NEDA Secretary Arsenio Balisacan sa press briefing sa Malacañang na ang tatlong bagong infrastructure projects ng administration ay ang NAIA public and private partnership (PPP) project, Samar Pacific Coastal Road 2 project at Laguindingan International Airport project.

“It is my pleasure to update everyone the agreements reached during the 7th meeting of the NEDA Board which was presided over by President Ferdinand Marcos, Jr. this morning. Today the NEDA Board approved three new infra projects while also approving changes to four ongoing projects particularly in disaster risk reduction and climate change, irrigation and transportation,” ayon kay Sec. Arsenio Balisacan, NEDA.

Nagkakahalaga ng P7.48-B ang Samar Pacific Coastal Road 2 na layuning magtayo ng dalawang marine bridges: Ang Laoang two Bridge at Calomotan Bridge.

Dagdag ni Balisacan na kabilang din sa proyekto ang pagsasaayos sa mga kalsada sa pagitan ng Laoang Island at mainland ng Samar Island na tinatayang nasa 15 km ang haba.

Habang ang proyekto naman para sa Laguindingan Airport sa Misamis Oriental ay nagkakahalaga ng P12.75-B na pangungunahan ng Department of Transportation (DOTr) at Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).

Layunin ng proyekto ang magkaroon green at connected airports sa disensiyo nito at ang paggamit ng digital technologies para mapaganda ang serbisyo sa mga pasahero nito.

Naniniwala ang NEDA na hindi lamang malaki ang pakinabang ng proyektong ito para sa mga taga-Misamis Oriental kundi maging ng buong Northern Mindanao.

NAIA upgrade, inaprubahan na ng NEDA Board

Naniniwala ang Marcos administration na matutugunan na ang matagal nang kinakaharap na problema sa naia matapos aprubahan ng NEDA Board ang NAIA-PPP project.

Layunin ng proyekto ang maisaayos, mapalawak at matugunan ang passenger capacity, aircraft movement restriction, at iba pang problemang kinakaharap nito.

 “This project is under the DOTr and the Manila International Airport Authority (MIAA). With the total project cost of 170.6 billion pesos, the goal of the project is to address longstanding issues at NAIA such as the inadequate capacity of passenger terminal buildings and restricted aircraft movement,” ayon kay Sec. Arsenio Balisacan.

Sa kasalukuyan ay nasa 35 million passengers ang kayang i-accommodate ng NAIA pero kapag naipatupad na ang Rehabilitation project sa mga paliparan sa NAIA ay lalaki ang kapasidad nito nang hindi bababa sa 62 million passengers ang kayang tanggapin.

Sa usapin naman ng air traffic movement ay mas mapapalakas ito ng mula 40 ay magiging 48 mga eroplano bawat oras na ang kaya nitong ma-accommodate na eroplano.

Maliban diyan, magigging tugon ang NAIA Rehab project na matugunan ang matataas na pila at waiting time at maisaayos ang lahat ng paghihirap na nararanasan ng mga pasahero ng NAIA.

NEDA Board, inaprubahan ang pagbabago sa 4 infra projects

Samantala, inaprubahan din ng NEDA Board ang pagbabago sa apat na Infrastructure projects ng Marcos administration na may kinalaman sa disaster risk reduction and climate change, irrigation at transportation.

 “Meanwhile the NEDA Board also approved request for reasonable changes in scope, cost, design and/or loan validity of four ongoing infra projects,” ani Balisacan.

Ayon kay Balisacan, ang mga naaprubahang proyekto ng NEDA Board ay isang patunay na seryoso ang Marcos administration sa layunin nitong maabot ang 8 point socioeconomic agenda ng Philippine Development Plan 2023-2028 na siyang tutugon upang mapababa ang kahirapan sa bansa at pagkakaroon ng inclusive growth para sa lahat ng Pilipino.

Sinabi din ng NEDA na maglalabas ng Executive Order (EO) ang Palasyo kaugnay sa pagkakaroon ng masterplan sa mga infra project ng pamahalaan upang matiyak na magiging mahusay ang implementasyon nito sa buong bansa.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter