Negros Oriental, may bagong gobernador

Negros Oriental, may bagong gobernador

NANUMPA na si Vice Gov. Manuel Chaco Sagarbarria, Jr. bilang bagong gobernador ng lalawigan ng Negros Oriental kasunod ng pagkamatay ni Gov. Guido Reyes nitong Mayo 31.

Kinumpirma ni Provincial Administrator Karen Molas ang pagkamatay ni Gov. Reyes araw ng Miyerkules Mayo 31, sa isang ospital sa Metro Manila dahil sa isang malubhang karamdaman.

Halos tatlong buwang nanungkulan si Reyes bilang gobernador ng Negros Oriental matapos itong humalili sa napaslang na dating gobernador na si Roel Degamo.

“It has been my life’s honor to serve under such a kind and generous leader. It has also been a pleasure and an honor to serve with our colleagues here in the executive department as with our colleagues in service in the legislative department. Thank you everyone for all your support and love to our late governor. I do hope that his legacy in public service will live on and inspire others to do the same. Thank you very much,” pahayag ni Provincial Administrator, Karen Molas, Negros Oriental.

Matatandaang ilang linggo matapos mamatay si Degamo, pumasok si Reyes sa opisina ng gobernador sa provincial capitol sa Dumaguete City at nangakong ipagpapatuloy ang mga programang sinimulan ng kaniyang kaalyado.

Nagpaabot din ng kaniyang pakikiramay si Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa pamilya ng yumaong gobernador.

“We are deeply saddened to hear of the passing of Negros Oriental Governor Carlo Jorge Joan “Guido” Reyes on May 31. We extend our heartfelt condolences to his family, friends, and the people of the province he served so faithfully. May his legacy continue to inspire and his memory be cherished,” mensahe ni Pangulong Marcos.

Sa kaparehong araw agad din nanumpa sa iniwang tungkulin si Vice Gov. Manuel Chaco Sagarbarria, Jr. sa provincial session hall bandang alas dos y media ng hapon.

Si Executive Judge Gerardo Paguio, Jr. ang nanumpa kay Vice Gov. Chaco Sagarbarria kasama ang kaniyang ina na si VM Maisa Sagarbarria, kaniyang mga kapatid, kamag-anak, at mayorya ng provincial board.

Ang nasabing kaganapan ay sinaksihan ng provincial officer ng DILG na si Farah Gentuya.

Ayon sa batang gobernador na 36-taong gulang, ang una niyang kautusan sa lahat ng LGU at government offices sa probinsiya ay ilagay ang lahat ng bandila sa half-mast bilang pakikiramay sa mga naulilang pamilya ni Gov. Guido Reyes.

“I have a lot of challenges and a lot of ideas for the province of Negros Oriental, but of course my first executive order will be to instruct all schools, LGUs, to have a half-mast for our respect sa atoang pinalanggang governor, Gov. Guido,” ayon kay Gov. Chaco Sagarbarria Jr., Negros Oriental.

Ito ang unang pagkakataon sa mahigit isang dekada na magkasunod na namatay ang dalawang gobernador ng Negros Oriental.

Samantala, nanumpa rin si 1st District Board Member “Jake” Reyes bilang bise gobernador ng lalawigan ng Negros Oriental sa harap ni Bindoy Mayor Eniego Jabagat.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter