Nepomuceno, OCD Region 1, nagpahiram ng generator sets sa Region 1 LGUs na apektado ng Bagyong Egay

Nepomuceno, OCD Region 1, nagpahiram ng generator sets sa Region 1 LGUs na apektado ng Bagyong Egay

NAGPAHIRAM si Civil Defense Administrator Ariel Nepomuceno at Office of Civil Defense (OCD) Regional Director Gregory Cayetano ng generators sa mga apektadong local government units (LGUS) sa Region 1 matapos ang pananalasa ng Super Typhoon Egay.

Ang mga generator ay mula sa Presidential Management Staff at ibinaba sa Laoag International Airport.

Ang iba’t ibang food items at family food packs ay ipinamahagi rin sa mga apektadong komunidad.

Una nang iprinisenta nina Civil Defense Administrator Nepomuceno at OCD RO1 Regional Director Cayetano ang pagsisikap ng Regional DRRM Council 1 sa kasagsagan ng disaster response operations hingil sa dumaang Bagyong Egay kay Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.

Nitong Sabado, napag-usapan na rin ng mga OCD official ang mga assistance at response activities na ginagawa ng  Regional DRRM Council 1 sa Session Hall, Provincial Capitol, Laoag City, Ilocos Norte.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble