Nets, tinalo ang Wizards upang makuha ang ika-apat na sunod na panalo

Nets, tinalo ang Wizards upang makuha ang ika-apat na sunod na panalo

TINALO ng Brooklyn Nets ang Wizards Washington upang makuha nito ang ika-apat na sunod na panalo sa NBA na pinangunahan ni Kevin Durant na umiskor ng 30 points.

Nagtapos ang laban sa pagitan ng Nets at Wizards sa iskor na 112-100.

Ang nets na nahirapan sa unang bahagi ng season sa pagkasuspinde ni Kyrie Irving dahil sa anti-semitism post nito ay nagawa nang manalo ng 8 sa 9 nitong mga laro.

Naging double digits pa ang kalamangan ng Nets sa Wizards sa ikalawang bahagi ng laro at pinanatili nito ang kalabang team sa 45 points matapos ang interval.

Bukod sa 30 points ni Durant ay nagdagdag din ito ng six assists na sinundan ni Ircing ng 24 points upang ibigay sa Qizards ang ikapitong sunod nitong pagkatalo.

 

Follow SMNI News on Twitter