NAKATAKDANG bumili ng siyamnapung panibagong trak ngayong taon ang National Food Authority (NFA).
Itoy upang matiyak na mas marami pa ang mga magsasaka kabilang na ang mga nasa malalayong lugar ang magkaroon ng pagkakataong maibenta ang kanilang ani sa ahensya.
Dahil dito, inaasahan ng NFA na makabili na sila ng humigit-kumulang ng 880k metriko tonelada ng palay ngayong taon.
Samantala, sinabi na ng Department of Agriculture na bibili pa sila ng karagdagang 150 na mga trak sa taong 2026 upang matugunan ang mga hamon sa logistik.