NAGLABAS ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ng kauna-unahang yellow alert para sa Luzon Grid ngayong taon.
Nangyari ito noong Miyerkules, Marso 5, 2025 mula 5:00 ng hapon hanggang 7:00 ng gabi.
Ang yellow alert ay nangangahulugan ng manipis na reserbang kuryente na higit sa 600 megawatts.
Sa tala ng NGCP, umabot sa 11,829 megawatts ang demand ng kuryente sa Luzon, habang 12,488 megawatts lamang ang available capacity.
Mas pinalala pa ito dahil sa sapilitang mga pagkawala ng kuryente at pagbabawas ng kapasidad ng mga power plant.
Sa kasalukuyan, walong power plant sa Luzon ang naka-force outage simula pa noong Pebrero.
May apat na iba pa na taong 2024 nag-umpisa ang force outage, habang 16 na planta ang may derated capacities o binawasan ang kapasidad.
Follow SMNI News on Rumble