Nico Antonio, magiging cast ng isang South Korean series mula sa Disney Plus

Nico Antonio, magiging cast ng isang South Korean series mula sa Disney Plus

MAPAPANOOD ang Filipino actor na si Nico Antonio sa Philippines-set South Korean series na “Big Bet,” na nakatakdang ipalabas sa Disney Plus sa December 21.

Gagampanan ni Antonio ang papel ng isang CIDG agent na nag-iimbestiga sa kaso na kinasasangkutan ng isang “Casino King” sa Pilipinas na si Cha Mu-Sik na gagampanan naman ni Choi Mn-Sik.

Bibida rin sa nasabing serye si Son-Seok-Koo, Lee Dong-Hwi at iba pa.

Sa kuwento ni Antonio, pinakabisado sa kanya ang isang line at pinagawa rin siya ng isang acting piece.

Matapos ang kanyang audition ay nakatanggap agad ito ng call back matapos ang isang linggo at gusto na aniyang agad na makipagkita sa kanya ng direktor.

Sinabi rin ni Nico na sa tingin niya ay hindi naman siya napahiya sa kanyang naging performance at naitayo naman niya ang bandera ng Pilipinas sa larangan ng pag-arte.

Follow SMNI NEWS in Twitter