South Korea, pinaboran ang pagpapatanggal sa Iran sa Women’s Rights Body ng UN

South Korea, pinaboran ang pagpapatanggal sa Iran sa Women’s Rights Body ng UN

PINABORAN ng South Korea ang disisyong tanggalin ang Iran sa Women’s Rights Body ng United Nations.

Ang 54 na miyembro ng UN Economic and Social Council ay nag-adopt ng resolusyon para ipatanggal ang Iran sa Commission on the Status of Women na nagtatanggal sa Tehran hanggang sa pagtatapos nito sa termino sa taong 2026.

8 bansa naman kabilang ang China at Russia ang bumoto laban sa resolusyon na ito.

Ang resolusyon na ito ay inilabas matapos ang 3 buwan na nationwide crackdown sa Tehran kasunod ng mga protesta na sinimulan ng 22 taong gulang na si Mahsa Amini.

Namatay ito sa ospital noong Setyembre habang nasa kustodiya ng Religious Morality Police dahil sa hindi tamang pagsusuot ng hijab.

Follow SMNI NEWS in Twitter