NLEX, pinaalalahanan ang mga motorista na gumamit ng ibang ruta para hindi maaapektuhan sa Philippine Arena event

NLEX, pinaalalahanan ang mga motorista na gumamit ng ibang ruta para hindi maaapektuhan sa Philippine Arena event

NAGPAALALA ang North Luzon Expressway sa mga motorista na gumamit muna ng ibang ruta para hindi maapektuhan ng mabigat na daloy ng trapiko na posibleng maidulot sa Philippine Arena event.

Ngayong 4:00 ng hapon nakatakdang simulan ni Presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. At kanyang running mate na si Davao City Mayor Sara Duterte ang kanilang kampanya para sa eleksyon 2022 national elections sa Philippine Arena sa Bulacan.

Ayon sa NLEX, ang re-routing ay gaganapin sa Ciudad de Victoria Northbound and Southbound entries and exits; Marilao Northbound and Southbound entries and exits; Bocaue barrier; Bocaue interchange Northbound and Southbound exits; Tambubong Northbound exit; Balagtas Northbound exit; at Tabang Northbound exit.

Base sa official timeline ng COMELEC, ngayong araw mag-uumpisa ang official campaign ng national post candidates at Party-list group.

Follow SMNI NEWS on Twitter