NLEX, magtataas ng toll fee simula bukas

NLEX, magtataas ng toll fee simula bukas

SIMULA bukas, araw ng Martes, Mayo a-disi otso nakatakdang magtaas ng toll fee ang North Luzon Expressway (NLEX).

Ito ay matapos aprubahan ng Toll Regulatory Board ang 2 percent hanggang 3 percent na pagtaas sa singil sa mga tollway ng NLEX.

Ayon kay Julius Corpuz, tagapagsalita ng NLEX, layunin ng ginawang regular adjustment para mapanatili ng investor ang itinakdang standards ng board.

Para sa mga magbibyahe mula Mindanao Avenue o Balintawak at lalabas ng Bocaue, magkakaroon ng dagdag bayad na dalawang piso para sa class 1 vehicles o ordinary cars;
karagdagang tres pesos naman para sa class 2 vehicles o buses at maliliit na commercial trucks; habang kwatro pesos naman ang dagdag bayad para sa class 3 vehicles.

Para sa end-to-end travel sa expressway, magkakaroon ng sais ang dagdag toll fee sa class 1 vehicles; katorse pesos sa class 2 at disi-sais naman sa class 3.

Para sa karagdagan pang mga detalye bisitahin lang ang official website sa https://trb.gov.ph/toll-rates/nlex-toll-rate.html

SMNI NEWS